Sunday, October 14, 2018

Ang Kabastusan ng mga Filipino ni Isagani Cruz: Ang Pagsusuri


Bakit nga ba pag babae ang tingin sa amin ay isang mahinang klase ng tao? Na hindi kaya ang nagagawa ng mga lalaki? Okay, sige pagbibigyan ko kayo kung pisikalan ang usapana ngunit kung ilalagay mo yung ideyang ito sa konsepto ng pagiging matagumpay sa iba't ibang larangan.

Nagsimula kasi ang ganitong kultura noong unang panahon noong inalisan ng karapatan ang mga babae na magaral ng mga bagay na patungkol sa siyensya, matematika at iba pa. Ang mga babae noong unang panahon ay nagaaral kung paano gumawa ng mga gawing pang bahay.

Bakit kapag babae ang nagkakaroon ng magagandang pangalan ay sobra sobra ang pagkilala sa tao? "First Female President", "The only woman..." yung ganun? Ganun nga ba talaga yung hanga ng mga tao kung babae yung nakakuha ng isang titulo? Hindi naman dahil babae eh hindi na agad magaling, matalino at aasenso. Ganyan tayong mga Pilipino, mas inilalagay pa nating ang pride sa mga lalaki kaya tuloy hindi lang ito masama para sa isang babae ngunit nakakatanggap din pressure ang mga lalaki.

"Babae ka lang.. Lalaki siya."

Nakakairitang pakinggan. Nakakainis isipin

Isa pang napagusapan sa klase ang tungkol sa victim-blaming na isang mainit na isyu ngayon sa bansa. Isa ako sa mga biktima ng cat-calling sa bansa. Isang maliit na gawain para sa mga lalaki ngunit ito ay isang seryosong usapin para sa mga babae. Kapag na cat-call ka, nakakaasar, nakakairita, nakakatakot, nakakakaba at nakakadisturb. Pakiramdam naming mga babae ay hindi ako ligtas sa parte ng lugar na iyon dahil alam namin na may nakatingin o pinapanood nila kami.

Nakakaasar rin isipin na binibigay sa aming mga babae ang pagiging mali. Eh ano naman kung ganito ang suot ko? Eh ano naman kung maikli ang suot kong pangibaba?

Ito ang hirap sa ating bansa na kahit mismong ang presidente natin ay may galit sa mga babae. Isang beses, nagpromote siya na mangrape at sagot naman daw niya ito. Isang nakakaistorbong ideya ang sinabi niya. So ano? Ligtas pa ba dito sa bansang ito?

The Social Movement and the Current National Political Science ni Antonio Tujan Jr.: Ang Pagsusuri


Isa rin ito sa mga akdang hindi ko napasukan dahil nagkaroon ako ng coverage sa COMELEC noon araw na ito ay naulat. Kami ay nagcover sa isang organization na "Gabriela Youth" sa unang araw na pagpapasa ng Certificate of Candidacy.  Sakto marahil ang aking experience ay pwede kong maihalintulad sa akdang isinulat ni Antonio Tujan.

Naalala ko ang isang litrato na aking nakuha mula sa pagcocover ng organisasyon na aming napili. "Activism is not Terrorism", Ang pagiging aktibista ay hindi masama. Ito ay isang paraan upang maihatid natin ang ating hinain sa gobyerno. Katulad n ibinigay na halimbawa ng akda, ang tungkol sa People Power II, dahil sa isang sinasabi ng mamayang Pilipino, nagawang patilsikin ang isang pulitiko na nakaupo gamit ang isang sigaw ng mga Pilipino.

Nakakatulong ang pagiging democratic nating bansa. Nagkakaroon tayo ng lakas upang isigaw ang dapat makita ng mga pulitiko na nakaupo sa taas.

Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet ni U Eliserio: Ang Pagsusuri


Sa usapin ng akda nito, nakakalungkot lamang na ako ay lumiban sa araw noong ito ay inulat ng aking mga kaklase dahil sa usaping ito, ito ay isa sa mga gusto kong malaman lalo na ang gustong iparating ng may akda. Kaya ako ay bumasa ng ilang sa mga blog ng aking mga kaklase upang makuha ko ang nilalaman ng akda.

Batay sa aking pagkakaintindi, ito ay isang usapin tungkol sa blog at paano ito tumatakbo batay sa realidad ng ating bansa. Ako ay isa din blogger at ang aking nilalagay sa aking blog ay ang aking opinyon o di kaya ang aking mga insights tungkol sa mga palabas o drama na aking napapanood. Hindi lamang iyon, pati na rin sa aking mga nababasa at nalalaro.

Masasabing ang blog ay isang makapangyarihang gamit na rin sa modernong paraan. Maihahalintulad rin natin ito sa mga libro na naisulat ng ating mga bayani noong unang panahn. Ito ay isang modernong paraan na dahil ang pagsususlat ay hindi namamatay. Ang pagsusulat ay bumabatay lamang sa ayos ng mundo o masasabi din nating nag e-evolve rin ito kagaya ng ating mundong ginagalawan. Kaya ito hindi namamatay dahil ang tao ay hindi natatapos sa paghahanap ng sagot sa kanilang mga personal na katanungan, hindi ibig sabihin nito ay sa usang pangedukasyon lang kundi mga katanungan sa iba't ibang bagay.

Hindi rin lang ako blogger, bilang isang blogger kailangan ko rin rin ng kaalaman sa aking mga sinusulat kaya nagbabasa din ako ng blog ng ilang mga blogger na iniidolo ko. Nakakakuha ako ng magagandang impormasyon na aking magagamit para sa aking blog. Kung titignan ng maigi, dahil dito mas nadadagdagan ang kaalaman ko at kung ang isang tao ay magbabasa ng aking mga isinulat ay makakapagbigay rin ako ng kaalaman na aking nakuha at nabigyan pa ng karagdagan para sa iba.

Maaari ring makatulong siya sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang saloobin o opinyon ukol sa aking mga naisulat. Hindi ba't nakakatakot ang ganitong instrumento?

Saturday, October 6, 2018

Transformative Education ni Antonio Tujan Jr. : Ang Pagsusuri


Sa edad apat, tayo ay pinagaaral na ng ating mga magulang. Ang gusto pa nga nila nasa magandang paaralan, yung private kasi maganda daw ang turo doon. Aminin natin na ganun ang pagtingin ng nakararami. Pag nagaaral ka daw sa isang magandang paaralan, mas angat ka dahil mas maganda ang turo sa mga kilalang eskwelahan, ngunit ang totoo, mababase ba talaga ang ganda ng turo sa paaralan? o sa guro mismo? Nabanggit ni Tujan ang isinulat ni Lumbera na "Edukasyon para iilan: Kung Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita" ang ganitong paniniwala, pero kung iisipin mo kung ikaw ang isang guro sa isang hindi kilalang paaralan, ang paaralan ba ang magsasanay sa iyong mga magaaral o ikaw mismo na kayang magbigay ng kaalaman sa mga bata?

Nasa akda na ito na ang paaralan, guro at ang curriculum ang unang batayan ng kaalaman, pangalawa ang mga magulang, simbahan at ang komunidad. Sa tulong ng mga akda na nagpapakita ng realidad sa ating bansa, isa sa mga naisip na maganda panimula para ma malutas ang suliranin sa kolonyalismo ay ang pagbabago ng sistema ng pagtuturo. Naibahagi ko na ang aking pananaw sa ganitong idea sa Misedukasyon.

Hindi lamang ang mga guro ang dapat mabago, pati narin ang pananaw ng isang paaralan at ng curriculum nito. Tulong ng mga kilalang akda na nagmumulat sa ating Pilipino, ito ay magandang gabay para sa pagsisimula ng mas maayos na edukasyon. Kasama rin dito ang pagkakaroon ng maayos na pasilidad sa loob ng paaralan. Pagkakaroon ng masaganang libro para sa edukasyon at hindi basta bastang libro na pang lohika o matematika pati narin ang iba't ibang uri ng panitikang Pilipino.

Thursday, October 4, 2018

Literatura ng Anak-Pawis ni Rogelio Ordonez: Ang Pagsusuri


Itong akda na ginawa ni Ordenez ay isang uri ng antolohiya na nangangahulugang, isang sanaysay na na may iba't ibang akda. Inilahad ni Ordonez sa kanyang isinulat kung paano nakatulong ang mga akda sa pagsusulat ng mga anak-pawis upang maihayag nila ang kanilang side o yung kalagayan ng kanilang pamumuhay. May mga manunulat na namulat lamang sa mga ilang akda, ang ibig sabihin lamang ito na nakakatulong ang mga akda na kanyang inilahad dito na mamulat tayo sa kamalayan at sa katotohanan.

Isang halimbawa nito ay kung ano yung ginagawa namin ngayon sa aming subject. Nagbabasa kami ng iba't ibang akda mula sa mga sikat nanunulat at nalalaman namin ng mas malalim ang realidad ng mundo.

Maaaring inihahayag rin ni Ordonez sa kaniyang akda na kung ang lahat ng anak-pawis ay nakakapagsulat ng ganitong klase ng akda, na kayang impluwensyahan hindi lamang ang mga matatandan, ngunit pati na ang mga estudyante o mga bata, ito ay magiging malaking instrumento upang matulungan natin ang ating bansa na bawasan ang kulturang Amerikano na matagal na tayong inaalipin.

Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang "idolo": Apat na pagpapahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino ni Nicanor Tiangson: Ang Pagsusuri


Naihayag ni Tiagson sa akdang ito ang lahat ng mga punto na hindi nakikita ng isang ordinaryong mamamayan na nanonood lamang ng pelikulang Pilipino. Sa akdang ito, naipunto ang apat na pagpapahalaga na matatagpuan sa mga pelikula ng ating bansa.

1. Maganda ang Maputi

Madalas ito sa mga drama sa hapon sa telebisyon. Dahil sila ay maitim, sila ay naicategorized sa mga "panget" na tao. Ngunit saan ba natin nakukuha ang kaisipan na ito? Balikan natin ang isinulat ni Lumbrera na "Edukasyon para sa iilan: Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita?", nabanggit doon ang tungkol sa kolonyalismo at kung paano hanggang ngayon na ang kultura ng Amerikano ang nangunguna sa ating bansa na may sariling kultura naman. Bakit ang sarili nating kulay na unique sa para sa ilang bansa ay ating naiisang tabi ay mas sinasamba ang mga puti? Napansin ko rin yung ganitong kaisipan sa iilang lumang pelikula. Nagiing big deal sa kwento yung isang probinsyanong kayumanggi na pumunta ng Maynila at nakapagasawa ng isang puti. Isa lang naman yung mali dun eh. Bakit kinukwestyon ang pagiging kayumanggi at nagiging malaking issue yung pagaasawa ng isang dayuhan. Ganun na lamang ba kababa ang tingin natin sa sarili nating pisikal na anyo. Kung ating kikilatisin naman maaring pareho lang naman yung pinagaralan ng isang kayumanggi sa puti para ibaba natin ang tingin natin sa mga Pilipino.

2. Masaya ang may Palabas

Sino ba ang may ayaw sa isang palabas o kahit babasahin na puno ng pantasya, mga hindi makatotohanang kwento? Hindi ba't nang dahil sa mga ganitong mga panitikan o pelikula, pansamantala nating natitigil yung ating mga nakikita sa tunay na buhay? Sa aking pananaw, yung ganitong ideya ay hindi naman gaanong masama. Na meron tayong takbukan pansamantala mula sa mga problema na meron ang ating bansa. Na magkaroon tayo ng konting aliw para sa ating sarili. Ngunit ang nakikita kong masamang epekto nito ay ang pagiging bulag na sa realidad. Na puro nalang tayo sa pag fa-fangirl o fanboy sa mga ganitong uri ng kwento. Ako rin naman, isa akong fan ng mga anime na mula pa sa bansang hapon. Ngunit ang mga uri ng kwento o genre na aking pinapanood ay may konsepto ng realidad. Isa na ang anime na pinamagatang "Attack on Titan" (Ito ay nabigyan ko na rin ng rebyu: link). Ito ay kwento ng isang bata na gustong sugpuin ang lahat ng higante na kumakain ng tao. Sila ay pinahihiwalay ng isang malaking pader na maihahalintulad mo sa Great Wall of China. Bagam't itong kwento na ito ay mailalagay natin sa fantasy na genre, sa loob ng kwento nito ay merong realidad tulad ng korupsyon sa gobyerno, kung gaano kahirap ang mamuhay sa isang lugar na hiniigpitan ang pinakukuhanan ng pagkain. Dahil maliit lang ang lupa ng kanilang kinabubuhay, andun na rin ang kahirapan at paggawa ng masama.

Ang punto ko lamang dito, maaaring bigyan ng pantasya ang mga pelikula ngunit pwede din nating ilahad sa mga kwento ang kalagayan ng mundo. Isa pang halimbawa ay ang English animated series na "Avatar: The Last airbender" (tignan ang aking rebyu sa palabas na ito: link). Ito ay kwento na isang 12 year old na isang Avatar, isang tao na kayang gamitin ang apat na elemento. Sa kwentong ito, inihahayag ang digmaan at pananakop ng malalakas at walang unity sa mga bansa. Andun na rin ang iba't ibang mukha ng mga biktima ng digmaan.


3. Mabuti ang Inaapi

Saan ba nagsimula yung ganitong kaisipan? Balikan natin ang akda ni Lumbera na "Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng mahabang pagkakaalipin". Nailahad roon na ang ganitong kaisipan ay nagmula noong tayo ay sinakop ng mga Kastila. Na ang ating relihiyon ay tinuruan tayo maging mapagtiis sa lahat ng ating natatamo, maging pisikal man ito o uri ng pamumuhay. Na kapag tayo ay naghiganti, ito ay magiging kasalanan sa Diyos. Dito nakikita sa mga palabas ang kaisipan na ito. Sa aking palagay yung ganitong kaisipan ay may mga magagandang epekto at hindi magandang epekto sa mga manonood. Ang magandang epekto nito ay pagiging hindi marahas sa mga tao. Natuturuan tayo maging mabuti at hindi manakit ng ibang tao. Ngunit eto na nga, pumapasok na yung hindi magandang epekto nito at ito ay yung tinatawag na "Filipino Resiliency". Ang mga Pilipino ay kilala bilang matiisin. Nakikita man natin na ito ay nakakasama na, mas pinipili nalang natin na maging matiisin dahil masama na ang lumaban.

4. Maganda pa ang Daigdig

Nabanggit ko na ito sa ikalawang pagpapahalaga. Yung ibinabaling ang pagtingin natin sa environment o setting ng isang palabas na nakatira tayo sa isang maayos na bansa. Bakit hindi tayo maging makatotohanan? Bakit hindi natin ipakita yung tunay na lagay ng bansa?

Ako isang Japanese film and anime enthusiast at hindi ako masyadong nanonood ng mga pelikulang Pilipino. Ako ay namimili ng mga papanoorin ko. Kaya ako ay nahumaling sa mga palabas ng bansang hapon dahil madalas sa kanilang mga drama ay nakabase sa realidad ng kanilang bansa. Sa realidad ng isang tao. Minsan ay pantasya katulad ng ilang palabas na aking nabanggit ngunit hindi parin nawawala sa mga palabas nila ang aral na dapat makuha ng kanilang manunuod. Kaya kung sinasabi mo na pambata ang "anime", hindi ito totoo. Hindi dahil minsan may gore na genre ang ibang anime, ngunit meron mga anime na naghahayag ng problema ng lipunan na dapat bigyan pansin ng hindi lang mga bata ngunit pati na ang matatanda na kailangan mulat na sa ganitong mga idea.