Sunday, October 14, 2018
Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet ni U Eliserio: Ang Pagsusuri
Sa usapin ng akda nito, nakakalungkot lamang na ako ay lumiban sa araw noong ito ay inulat ng aking mga kaklase dahil sa usaping ito, ito ay isa sa mga gusto kong malaman lalo na ang gustong iparating ng may akda. Kaya ako ay bumasa ng ilang sa mga blog ng aking mga kaklase upang makuha ko ang nilalaman ng akda.
Batay sa aking pagkakaintindi, ito ay isang usapin tungkol sa blog at paano ito tumatakbo batay sa realidad ng ating bansa. Ako ay isa din blogger at ang aking nilalagay sa aking blog ay ang aking opinyon o di kaya ang aking mga insights tungkol sa mga palabas o drama na aking napapanood. Hindi lamang iyon, pati na rin sa aking mga nababasa at nalalaro.
Masasabing ang blog ay isang makapangyarihang gamit na rin sa modernong paraan. Maihahalintulad rin natin ito sa mga libro na naisulat ng ating mga bayani noong unang panahn. Ito ay isang modernong paraan na dahil ang pagsususlat ay hindi namamatay. Ang pagsusulat ay bumabatay lamang sa ayos ng mundo o masasabi din nating nag e-evolve rin ito kagaya ng ating mundong ginagalawan. Kaya ito hindi namamatay dahil ang tao ay hindi natatapos sa paghahanap ng sagot sa kanilang mga personal na katanungan, hindi ibig sabihin nito ay sa usang pangedukasyon lang kundi mga katanungan sa iba't ibang bagay.
Hindi rin lang ako blogger, bilang isang blogger kailangan ko rin rin ng kaalaman sa aking mga sinusulat kaya nagbabasa din ako ng blog ng ilang mga blogger na iniidolo ko. Nakakakuha ako ng magagandang impormasyon na aking magagamit para sa aking blog. Kung titignan ng maigi, dahil dito mas nadadagdagan ang kaalaman ko at kung ang isang tao ay magbabasa ng aking mga isinulat ay makakapagbigay rin ako ng kaalaman na aking nakuha at nabigyan pa ng karagdagan para sa iba.
Maaari ring makatulong siya sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang saloobin o opinyon ukol sa aking mga naisulat. Hindi ba't nakakatakot ang ganitong instrumento?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment