Saturday, October 6, 2018
Transformative Education ni Antonio Tujan Jr. : Ang Pagsusuri
Sa edad apat, tayo ay pinagaaral na ng ating mga magulang. Ang gusto pa nga nila nasa magandang paaralan, yung private kasi maganda daw ang turo doon. Aminin natin na ganun ang pagtingin ng nakararami. Pag nagaaral ka daw sa isang magandang paaralan, mas angat ka dahil mas maganda ang turo sa mga kilalang eskwelahan, ngunit ang totoo, mababase ba talaga ang ganda ng turo sa paaralan? o sa guro mismo? Nabanggit ni Tujan ang isinulat ni Lumbera na "Edukasyon para iilan: Kung Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita" ang ganitong paniniwala, pero kung iisipin mo kung ikaw ang isang guro sa isang hindi kilalang paaralan, ang paaralan ba ang magsasanay sa iyong mga magaaral o ikaw mismo na kayang magbigay ng kaalaman sa mga bata?
Nasa akda na ito na ang paaralan, guro at ang curriculum ang unang batayan ng kaalaman, pangalawa ang mga magulang, simbahan at ang komunidad. Sa tulong ng mga akda na nagpapakita ng realidad sa ating bansa, isa sa mga naisip na maganda panimula para ma malutas ang suliranin sa kolonyalismo ay ang pagbabago ng sistema ng pagtuturo. Naibahagi ko na ang aking pananaw sa ganitong idea sa Misedukasyon.
Hindi lamang ang mga guro ang dapat mabago, pati narin ang pananaw ng isang paaralan at ng curriculum nito. Tulong ng mga kilalang akda na nagmumulat sa ating Pilipino, ito ay magandang gabay para sa pagsisimula ng mas maayos na edukasyon. Kasama rin dito ang pagkakaroon ng maayos na pasilidad sa loob ng paaralan. Pagkakaroon ng masaganang libro para sa edukasyon at hindi basta bastang libro na pang lohika o matematika pati narin ang iba't ibang uri ng panitikang Pilipino.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment