Thursday, October 4, 2018
Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang "idolo": Apat na pagpapahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino ni Nicanor Tiangson: Ang Pagsusuri
Naihayag ni Tiagson sa akdang ito ang lahat ng mga punto na hindi nakikita ng isang ordinaryong mamamayan na nanonood lamang ng pelikulang Pilipino. Sa akdang ito, naipunto ang apat na pagpapahalaga na matatagpuan sa mga pelikula ng ating bansa.
1. Maganda ang Maputi
Madalas ito sa mga drama sa hapon sa telebisyon. Dahil sila ay maitim, sila ay naicategorized sa mga "panget" na tao. Ngunit saan ba natin nakukuha ang kaisipan na ito? Balikan natin ang isinulat ni Lumbrera na "Edukasyon para sa iilan: Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita?", nabanggit doon ang tungkol sa kolonyalismo at kung paano hanggang ngayon na ang kultura ng Amerikano ang nangunguna sa ating bansa na may sariling kultura naman. Bakit ang sarili nating kulay na unique sa para sa ilang bansa ay ating naiisang tabi ay mas sinasamba ang mga puti? Napansin ko rin yung ganitong kaisipan sa iilang lumang pelikula. Nagiing big deal sa kwento yung isang probinsyanong kayumanggi na pumunta ng Maynila at nakapagasawa ng isang puti. Isa lang naman yung mali dun eh. Bakit kinukwestyon ang pagiging kayumanggi at nagiging malaking issue yung pagaasawa ng isang dayuhan. Ganun na lamang ba kababa ang tingin natin sa sarili nating pisikal na anyo. Kung ating kikilatisin naman maaring pareho lang naman yung pinagaralan ng isang kayumanggi sa puti para ibaba natin ang tingin natin sa mga Pilipino.
2. Masaya ang may Palabas
Sino ba ang may ayaw sa isang palabas o kahit babasahin na puno ng pantasya, mga hindi makatotohanang kwento? Hindi ba't nang dahil sa mga ganitong mga panitikan o pelikula, pansamantala nating natitigil yung ating mga nakikita sa tunay na buhay? Sa aking pananaw, yung ganitong ideya ay hindi naman gaanong masama. Na meron tayong takbukan pansamantala mula sa mga problema na meron ang ating bansa. Na magkaroon tayo ng konting aliw para sa ating sarili. Ngunit ang nakikita kong masamang epekto nito ay ang pagiging bulag na sa realidad. Na puro nalang tayo sa pag fa-fangirl o fanboy sa mga ganitong uri ng kwento. Ako rin naman, isa akong fan ng mga anime na mula pa sa bansang hapon. Ngunit ang mga uri ng kwento o genre na aking pinapanood ay may konsepto ng realidad. Isa na ang anime na pinamagatang "Attack on Titan" (Ito ay nabigyan ko na rin ng rebyu: link). Ito ay kwento ng isang bata na gustong sugpuin ang lahat ng higante na kumakain ng tao. Sila ay pinahihiwalay ng isang malaking pader na maihahalintulad mo sa Great Wall of China. Bagam't itong kwento na ito ay mailalagay natin sa fantasy na genre, sa loob ng kwento nito ay merong realidad tulad ng korupsyon sa gobyerno, kung gaano kahirap ang mamuhay sa isang lugar na hiniigpitan ang pinakukuhanan ng pagkain. Dahil maliit lang ang lupa ng kanilang kinabubuhay, andun na rin ang kahirapan at paggawa ng masama.
Ang punto ko lamang dito, maaaring bigyan ng pantasya ang mga pelikula ngunit pwede din nating ilahad sa mga kwento ang kalagayan ng mundo. Isa pang halimbawa ay ang English animated series na "Avatar: The Last airbender" (tignan ang aking rebyu sa palabas na ito: link). Ito ay kwento na isang 12 year old na isang Avatar, isang tao na kayang gamitin ang apat na elemento. Sa kwentong ito, inihahayag ang digmaan at pananakop ng malalakas at walang unity sa mga bansa. Andun na rin ang iba't ibang mukha ng mga biktima ng digmaan.
3. Mabuti ang Inaapi
Saan ba nagsimula yung ganitong kaisipan? Balikan natin ang akda ni Lumbera na "Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng mahabang pagkakaalipin". Nailahad roon na ang ganitong kaisipan ay nagmula noong tayo ay sinakop ng mga Kastila. Na ang ating relihiyon ay tinuruan tayo maging mapagtiis sa lahat ng ating natatamo, maging pisikal man ito o uri ng pamumuhay. Na kapag tayo ay naghiganti, ito ay magiging kasalanan sa Diyos. Dito nakikita sa mga palabas ang kaisipan na ito. Sa aking palagay yung ganitong kaisipan ay may mga magagandang epekto at hindi magandang epekto sa mga manonood. Ang magandang epekto nito ay pagiging hindi marahas sa mga tao. Natuturuan tayo maging mabuti at hindi manakit ng ibang tao. Ngunit eto na nga, pumapasok na yung hindi magandang epekto nito at ito ay yung tinatawag na "Filipino Resiliency". Ang mga Pilipino ay kilala bilang matiisin. Nakikita man natin na ito ay nakakasama na, mas pinipili nalang natin na maging matiisin dahil masama na ang lumaban.
4. Maganda pa ang Daigdig
Nabanggit ko na ito sa ikalawang pagpapahalaga. Yung ibinabaling ang pagtingin natin sa environment o setting ng isang palabas na nakatira tayo sa isang maayos na bansa. Bakit hindi tayo maging makatotohanan? Bakit hindi natin ipakita yung tunay na lagay ng bansa?
Ako isang Japanese film and anime enthusiast at hindi ako masyadong nanonood ng mga pelikulang Pilipino. Ako ay namimili ng mga papanoorin ko. Kaya ako ay nahumaling sa mga palabas ng bansang hapon dahil madalas sa kanilang mga drama ay nakabase sa realidad ng kanilang bansa. Sa realidad ng isang tao. Minsan ay pantasya katulad ng ilang palabas na aking nabanggit ngunit hindi parin nawawala sa mga palabas nila ang aral na dapat makuha ng kanilang manunuod. Kaya kung sinasabi mo na pambata ang "anime", hindi ito totoo. Hindi dahil minsan may gore na genre ang ibang anime, ngunit meron mga anime na naghahayag ng problema ng lipunan na dapat bigyan pansin ng hindi lang mga bata ngunit pati na ang matatanda na kailangan mulat na sa ganitong mga idea.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment