Sabi nila, kapag ikaw ay nakapagaral at nakapagtapos, sigurado na ang iyong pag asenso sa buhay. Hindi naman sa lahat magiging sobra ang kinaganda ng buhay ngunit ang kakayahan na mamuhay ng matiwasay ay isang siguradong sagot sa magiging kalalabasan ng isang magandang edukasyon. Ngunit ito bang pananaw na ito ay makikita parin ng mga tao kapag itong dokumentaryong ito ay napanood ng lahat ng tao? Ang blog na ito ay maglalahad ng aking pananaw sa nasabing dokumetaryo.
Sa unang bahagi ng palabas, ipinakita ang salitang "Kolonyal". Ipinakita rito ang kasaysayan ng unang edukasyon sa Pilipinas. Inilahad dito na ang ating edukasyon ay isang produktong kolonyal. Parang gamit lang ano? Ngunit ito ay makatotohanan. Nung panahon ng mga Amerikano, tayo ay naturuan hindi tungkol sa mga bagay na lagi nating pinagaaralan sa paaralan pero tungkol sa kung paano makipaglaban sa gera ang isang tao. Tinuruan tayo kung paano humawak ng armas at makipaglaban laban sa mga mananakop. Tayo rin ay naturuan ng wikang Ingles bilang isang paraan ng pakikipagusap. Sa aking palagay, ang ganitong uri ng kasaysayan ng edukasyon ay nakatulong rin sa atin. Marapat lamang na tayo ay matutong lumaban para sa ting bansa at ang pagaaral ng Ingles ay dagdag kaalaman rin. Ito ay ating nagagamit na sa pakikipagusap sa iba't ibang uri ng tao. Ang hindi ko lamang nagustuhan sa kolonyalismo ang paghahayag na ang mga Amerikano lamang ang tama nung panahon na tayo ay sinasakop. Ito ay isang uri ng panloloko sa ating bansa.
May isang bahagi naman ng palabas na nagsisiwalat ng Komersyalismo. Kinausap nila ang Chairman ng CHED at may isa siyang inihayag na "Quality education is expensive." Ako ay nagtaka. Ano ang ibig sabihin noon? Hindi sa paraang literal ngunit ano yung ibig sabihin niyang mahal ang magkaroon ng magandang edukasyon? Ako ay nagaaral sa PUP at totoo namang hindi kagandahan ang pasilidad ng paaralang ito, ngunit kung ang lahat ay magkakaroon ng effort para sa edukasyon, sa librang edukasyon, magkakaroon tayo ng isang "quality education". Sa pagpapaintindi ng aking prof pagkatapos ng film viewing, ito ay medyo malabong mangyari sa ngayon, dahil ang ating bansa ay pinapatakbo ng komersyonalismo. Sa madaling salita, ang ating bansa ay pinapatakbo ng pera, na kapag sapat na pagpapasweldo, ang mga guro ay hindi mahihikayat na magturo ng husto.
Ngayon, iniisip ko, kapag ba nagkaroon man tayo ng tuition na medyo malaki, mas gaganda kaya ang edukasyon sa PUP? o pwede parin nating gawing mas maayos ang edukasyon kahit wala nang tuition sa paaralang ito?
Isa pang problema sa ating edukasyon at ang elista. Isa na akong biktima ng ito. Ako ay isang estudyante ng PUP mula pa noon 2011 sa Bachelor of Banking and Finance. Ito ay ang kurso na hindi ko naman gusto. Buhat ng malaking demand ng trabaho sa estudyante ng BBF ito ang pinakuha sa akin ng aking lola. Ang aking pangarap ay ang maging manunulat, kaso may pananaw sa aming pamilya na hindi maayos ang kursong ito. Dahil sa ang lola ko ang nagpaaral sa akin mula pa noong bata ako, sinunod ko ang kanyang gusto. Sa huli, hindi rin ako nakatapos ang umulit sa 1st year ng kursong Journlism. Ang gusto ko lamang iparating, imbis na matupad ang pangarap ng magaaral ito ay nasisira dahil sa demand ng trabaho. Kung magiging praktikal ka, pipiliin mo talaga ang kursong hindi para sayo. Isa pang problema ay ang nakabatay ang isang kumpanya sa pangalan ng paaralan. Kahit na ikaw ay isang graduate ng magandang kurso mula sa isang paaralang hindi gaano kilala, lugi ka sa mga kasabayan mong galing Ateneo. Ang pananaw na ito sa tingin ko ay napakamali. Hindi dapat nakabatay ang mga kumpanya sa pangalan ng isang paaralan dahil naniniwala ako na parepareho lang kanilang pinagaaralan.
No comments:
Post a Comment