Tuesday, August 14, 2018
Edukasyon para sa iilan: Kung bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita, Bienvinido Lumbera; Ang Pagsusuri
Isa na namang akda na isinulat ng isang magaling na manunulat ang aking nabasa. Batay sa aking pagkakaintindi, may limang dahilan kung bakit nag aasal mayaman ang mga mahihirap na mamamayan ng Pilipinas. Nais ko itong isa isahin sa blog na ito.
1. Relihiyon
Nasa kasaysayan ng Pilipinas, ang pananakop ng mga Espanol ang naging pinakamatagal. Umabot ito ng mahigit na isang daang taon. Sa mahabang panahon, nagkaroon ng pagkakataon upang maipasa sa mga Pilipino ang kanilang paniniwala. Ang mga paniniwala at iyon lang ang tama. At dahil marami sa mga Pilipino ay mangmang sa maraming bagay, tayo ay lubos na naniwala na ang lahat na itinuturo ng simbahan ay tama. Wala naman akong galit sa mga salita ng panginoon ngunit dito pumapasok ang kaisipan na mas may alam ang mga pari o madre kaya mas makapangyarihan sila. At dahil doon, pumasok sa kaisipan na kapag naturuan ng simbahan ang isang Pilipino, sila ay matalino, sila ay may kapangyarihan.
2. Kolonyalismo
Ito ay nangyari naman noong panahon ng Amerikano. Sa aking nakaraang pagsusuri ukol sa akda ni Lumbera na "Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin", nakalahad rito kung paano nakaapekto ang itinanim na kaisipan na ibinigay ng mga Amerikano. Nasa akda rin ang naging mga paraan ng mga Amerikano para sa pagpapalaganap ng kanilang sariling edukasyon sa Pilipinas. Isa na rito ang kapitalismo kung saan nakatugon lamang ang mga produkto sa pangangailangan ng bansa. Pumapasok rin dito ang ating pagtangkilik sa produktong banyaga.
3. Sa Ngalan ng Paaralan
Kapag tinanong ka kung saan ka nag-aaral at ito hindi kilala, madalas sa atin ay sinasabi muna na hindi naman ito kilala kaya wag na dapat malaman ng iba. Nagkakaroon tayo ng mababang tingin sa sarili kapag nalaman nila na hindi naman kilala ang paaralan na iyong pinapasukan. Naitanim kasi sa atin na kapag nagaaral ka sa mga malalaking paaralan tulad ng Ateneo o UST, mayaman ka na nga, matalino pa. Nagiging unfair ito sa mga magaaral na kaya namang makipagsabayan sa mga magaaral ng mga kilalang paaralan lalo na kapag naghahanap na ng trabaho. Sa mga kumpanya, madalas magaganda ang ngiti ng mga maghhire sa iyo kapag ikaw ay galing sa kilalang paaralan. Kaya ang mga Pilipino, kahit na nagkanda hirap na sa kakatrabaho, pinagaaral parin nila ang kanilang mga anak sa mga paaralan na sobrang mahal ang tuition dahil ang laking balik ng "pride sa pamilya" ang natatanggap nila.
4. Pakikipagsalamuha
Maibibigay ko na halimbawa ay ang mga tumatakbo sa eleksyon. Madalas na tumatakbong baranggay captain o kagawad ay mga mayayaman at madalas nananalo pa. Kung ikaw ay isang normal na mamamayan lamang at nais tumakbo sa eleksyon, ikaw ba ay mananalo? Marahil hindi dahil kapag mayaman ka, makapangyarihan ka. Isa na rin ang kaisipan na kapag sinuportahan mo ang mga taong nasa taas, makapangyarihan ka na rin.
5. Trabaho
Nabanggit sa klase ang mga trabaho na kailangan ng bansa. Nakalahad sa akda ang mga salitang "buhay ng isipan" at "buhay ng sikmura". Napakalalim ng mga salitang ito, "buhay ng isipan" ay tumutukoy sa mga Pilipinong gustong magtrabaho batay sa kanyang hangad na gawin sa buhay. Halimbawa, isang gumuguhit na gustong gumuhit para i-express ang kaniyang nararamdaman at ipakita ang ganda ng kanyang mga likha. "buhay ng sikmura" naman ay nagbibigay kahulugan na ang isang Pilipino ay kayang isuko ang kanyang ambisyon para lang magtrabaho ng isang trabaho na hindi niya pinangarap ngunit maibubuhay ang kanyang pamilya, Halimbawa, ang isang gumuguhit ay tumigil dahil walang masyadong tumatangkilik sa kanyang gawa kaya ito ay naghanap nalang ng ibang trabaho na kailangan ng bansa tulad ng pagiging Call Center Agent. Mailalagay ko ang aking sarili sa halimbawang ito. Ako ay gustong magaral ng Journalism simula pa nung nagsimula ako sa kolehiyo, ngunit ang gusto ng aking lola na magaral ako ng Accountancy dahil mas kikita raw ako ng pera doon. Dahil sa naging desisyon ko na sumunod, hindi ako nakapagtapos, nagtrabaho sa industriya ng BPO at lumipat lipat ng kumpanya dahil ayoko talaga ng trabaho ko.
Marahil marami pang mga sanhi bakit tayo ay nag aasal mayaman sa ating bansang mahirap. Ngunit ito ang pangunahing mga dahilan at hinding hindi pa natin ito matanggal sa ating kaisipan.
Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin; Ang Pagsusuri
Ang mga pinagmulan ng mga bagay ay mahalaga. Mahalagang malaman natin ang naging sanhi ng mga bagay na mayroon tayo ngayon at kahit ang pagsisimula ng edukasyong kolonyal at dapat nating makita. Sa inilahad ni Bienvinido Lumbera, tayo ay inimulat hindi lang sa nakaraan ngunit pati sa katotohanan na tayo ay may ideolohismo na ng mga Amerikano. Noong tayo ay sinakop, binilog na ang mga Pilipino ang paraan ng ating pag-iisip. Hindi lang noon ngunit hanggang ngayon ay nakaukit parin sa ating pamumuhay ang naging bunga ng kanilang inukit sa utak ng mamamayan ng Pilipinas. Sa tulong ng kaniyang akda, nalaman ko kung gaano ako at ng aking pamilya at aking mga kakilala naapektuhan sa mga itunuro nila noong pananahon ng kanilang pananakop.
Habang inisisiswalat sa klase ang totoong mensahe ng akda, naalala ko ang panahon noong ako ay magaaral ng grade school. Ako ay nagaral sa isang Catholic school. Isang guro ng siyensya ang nagalit sa buong klase dahil halos lahat sa amin ay bagsak sa pagsusulit. Bilang isang guro, nais niya malaman kung ano ang problema at bakit marami sa amin ang bagsak. Marahil ayaw niyang malaman ng ibang guro na baka kasalanan ito kung paano niya naituturo ang kanyang mga aralin kaya gusto niya siguro ito iayos. Hindi ko na matandaan yung mga sumunod na nagyari ngunit nagkaroon siya ng konklusyon na hindi raw namin siya naintindihan dahil hindi kami marunong sa Ingles. Nanakot siya sa amin na mga bata pa lamang na papagalitan niya ang aming guro sa Ingles upang kami ay managot naman sa kanya. Mga bata pa kami noon ngunit ibinigay sa amin ang kaisipan na kailangan naming maging magaling sa Ingles para makuha namin ang sinasabi ng mga guro sa ibang subject.
Nakarating sa aming guro sa Ingles ang nangyari at malamang nagalit rin siya. Dahil roon, hindi kami nabigyan ng dalawang pagsusulit mula sa kanyang subject at inilagay ang markang "zero" sa kaniyang record. Hindi ko nga lang alam kung totoo na ginawa niya iyon o parang panakot langsa amin iyon ngunit sobrang tumatak sa akin iyon dahil sobrang maingat ako sa aking mga grado sa paaralan dahil nga sa "Catholic School" ako nagaral.
Napaisip ako, may paraan ba para mabago ito? May paraan ba para maialis sa kaisipan ng mga Pilipino ang pagiging asal "Amerikano"? Maraming paraan, isa na itong ginawa ni ni Lumbera na gumawa ng akda para imulat ang mga mambabasa kung ano ba talaga ako tunay na kaisipan na mayroon ang mga Pilipino. Sa konting effort na ginawa niya at ng iba pang manunulat, marahil maraming tao ang makakabasa at maiintidihan ang nais nilang ipahiwatig sa kanilang mga isinulat.
Friday, August 3, 2018
Misedukasyon: Ang Pagsusuri
Sabi nila, kapag ikaw ay nakapagaral at nakapagtapos, sigurado na ang iyong pag asenso sa buhay. Hindi naman sa lahat magiging sobra ang kinaganda ng buhay ngunit ang kakayahan na mamuhay ng matiwasay ay isang siguradong sagot sa magiging kalalabasan ng isang magandang edukasyon. Ngunit ito bang pananaw na ito ay makikita parin ng mga tao kapag itong dokumentaryong ito ay napanood ng lahat ng tao? Ang blog na ito ay maglalahad ng aking pananaw sa nasabing dokumetaryo.
Sa unang bahagi ng palabas, ipinakita ang salitang "Kolonyal". Ipinakita rito ang kasaysayan ng unang edukasyon sa Pilipinas. Inilahad dito na ang ating edukasyon ay isang produktong kolonyal. Parang gamit lang ano? Ngunit ito ay makatotohanan. Nung panahon ng mga Amerikano, tayo ay naturuan hindi tungkol sa mga bagay na lagi nating pinagaaralan sa paaralan pero tungkol sa kung paano makipaglaban sa gera ang isang tao. Tinuruan tayo kung paano humawak ng armas at makipaglaban laban sa mga mananakop. Tayo rin ay naturuan ng wikang Ingles bilang isang paraan ng pakikipagusap. Sa aking palagay, ang ganitong uri ng kasaysayan ng edukasyon ay nakatulong rin sa atin. Marapat lamang na tayo ay matutong lumaban para sa ting bansa at ang pagaaral ng Ingles ay dagdag kaalaman rin. Ito ay ating nagagamit na sa pakikipagusap sa iba't ibang uri ng tao. Ang hindi ko lamang nagustuhan sa kolonyalismo ang paghahayag na ang mga Amerikano lamang ang tama nung panahon na tayo ay sinasakop. Ito ay isang uri ng panloloko sa ating bansa.
May isang bahagi naman ng palabas na nagsisiwalat ng Komersyalismo. Kinausap nila ang Chairman ng CHED at may isa siyang inihayag na "Quality education is expensive." Ako ay nagtaka. Ano ang ibig sabihin noon? Hindi sa paraang literal ngunit ano yung ibig sabihin niyang mahal ang magkaroon ng magandang edukasyon? Ako ay nagaaral sa PUP at totoo namang hindi kagandahan ang pasilidad ng paaralang ito, ngunit kung ang lahat ay magkakaroon ng effort para sa edukasyon, sa librang edukasyon, magkakaroon tayo ng isang "quality education". Sa pagpapaintindi ng aking prof pagkatapos ng film viewing, ito ay medyo malabong mangyari sa ngayon, dahil ang ating bansa ay pinapatakbo ng komersyonalismo. Sa madaling salita, ang ating bansa ay pinapatakbo ng pera, na kapag sapat na pagpapasweldo, ang mga guro ay hindi mahihikayat na magturo ng husto.
Ngayon, iniisip ko, kapag ba nagkaroon man tayo ng tuition na medyo malaki, mas gaganda kaya ang edukasyon sa PUP? o pwede parin nating gawing mas maayos ang edukasyon kahit wala nang tuition sa paaralang ito?
Isa pang problema sa ating edukasyon at ang elista. Isa na akong biktima ng ito. Ako ay isang estudyante ng PUP mula pa noon 2011 sa Bachelor of Banking and Finance. Ito ay ang kurso na hindi ko naman gusto. Buhat ng malaking demand ng trabaho sa estudyante ng BBF ito ang pinakuha sa akin ng aking lola. Ang aking pangarap ay ang maging manunulat, kaso may pananaw sa aming pamilya na hindi maayos ang kursong ito. Dahil sa ang lola ko ang nagpaaral sa akin mula pa noong bata ako, sinunod ko ang kanyang gusto. Sa huli, hindi rin ako nakatapos ang umulit sa 1st year ng kursong Journlism. Ang gusto ko lamang iparating, imbis na matupad ang pangarap ng magaaral ito ay nasisira dahil sa demand ng trabaho. Kung magiging praktikal ka, pipiliin mo talaga ang kursong hindi para sayo. Isa pang problema ay ang nakabatay ang isang kumpanya sa pangalan ng paaralan. Kahit na ikaw ay isang graduate ng magandang kurso mula sa isang paaralang hindi gaano kilala, lugi ka sa mga kasabayan mong galing Ateneo. Ang pananaw na ito sa tingin ko ay napakamali. Hindi dapat nakabatay ang mga kumpanya sa pangalan ng isang paaralan dahil naniniwala ako na parepareho lang kanilang pinagaaralan.
Subscribe to:
Posts (Atom)