Monday, September 24, 2018

Ang Kapangyarihan ng Wika; Ang Wika ng kapangyarihan ni Conrado de Quiros: Ang Pagsusuri


Pag sinabi nating wika, maiisip na natin agad na ito ay isang paraan ng pakikipag usap o komunikasyon. Ito ay nakakabuo ng relasyon sa isang uri ng tao. Sa ating bansa ang ating wika and Filipino ay ating ginagamit upand makipagusap sa ating mga kaibigan sa unibersidad. Kaya ang wikang Ingles ay isang makapangyarihan wika dahil ito ay ginagamit bilang isang pangunahing wika ng mundo at isa ako sa mga taong madalas na gumagami ng wikang ito. Isa akong fan ng isang grupo na sikat sa bansang haponat marami akong nakikilalang mga taong labis na hinahangaan ang grupong ito. Hindi lamang sa bansang Pilipinas ngunit pati na rin sa ibang bansa tulad ng Vietnam, Thailand at UAE. Madalas akong nakikipagusap sa kanila sa pamamagitan ng social media tlad ng Facebook at Twitter. Nang dahil sa wikang Ingles, nakakabuo ako ng mga kaibigan sa tulong na rin ng internet at kami ay nakakagawa ng isang oraganisasyon ukol sa aming mga hobbies.

Nabanggit din kung paano napagiisa ng wikang ito ang mga tao na may iba't ibang lahi. Mapapatunayan ko yan sa isa mga mga naging proyekto ng aming maliit na organisasyon. Ang mga kabilang dito ay hindi lamang mga Pilipino ngunit may mga tao rin na galing sa ibang bansa na aming nakakausap sa pamamagitan ng wikang Ingles. 

Isa na rin sa mga nakakatulong sa pagkakaroon ng isang wika ay ang pagkuha ng impormasyon. Sa totoo lang, sobrang given na itong idea na ito dahil sa paggamit ng Internet. Sa mga makabagong impormasyon, upang tayo ay hindi nahuhuli sa mga nangyayari sa ating mundo, tayo ay gumagamit ng wikang Ingles upang intindihin ang mga bagay na dapat malaman. Isa sa mga halimbawa nito sa akin ay kapag kumukuha ako ng update mula sa aking mga iniidolo mula sa bansang Hapon. Marahil napakaliit lang ng uri ng halimbawa na aking ibinigay ngunit kung ating susuriin, And bansang hapon ay hindi masyadong gumagamit ng wikang Ingles pero dahil sa mga taong marunong gumamit nito, sila ay naglalahad ng impormasyon sa Internet at ito ay aming nakukuha. Kung walang marunong mag Ingles sa bansang iyon, kami ay marahil huli na sa mga updates.

Sa sobrang makapangyarihan ng wikang ito, ito na rin ang naging dahilan upang tayo ay bigyan ng category . Noong panahon ng kolonyalismo ito nagsimula. Akin nang naihayag ang aking opinyon sa mga huli kong naisulat na "Edukasyon para sa iilan: Kung bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita, Bienvinido Lumbera; Ang Pagsusuri"  

Sa isinulat ni de Quiros, ako ay labis na umaayon sa kanyang pahayag na dapat palakasin din natin ang ating sariling wika, ang wikang Pilipino ngunit hindi ibalewala ang wikang Ingles. Nang dahil sa wikang Ingles nagkaroon ng pagkakawatak ng mamamayan sa pamantayan ng social status. Marahil ito ang sikreto ng mga bansang tulad ng bansang hapon. Hindi nakabatay ang pamuhay ng isang pamilya sa gamit nilang wika. Pag ganito, may pagkakaisa siguro tayo sa ating pamayanan at ang wikang Ingles ay pwede naman nating magamit sa pagkikipagsalimuha sa ibang bansa upang tayo ay makasama sa mga bansang umuusbong ang yaman. Magagamit rin natin ito para sa mga makabagong impormasyon na pangmedikal at bagong usbong na kaalaman sa mundo. 

Hindi ba't mas nagiging makapangyarihan ang isang wika kung ito ang nagagamit ng tama?